masakit isipin na maghihiwahiwalay na nga tayo, sa kabila ng mga nagawa na natin, sa mga napagsaluhan nating masasaya at malulungkot na sandali, bakit kailangan lisanin natin ang isat isa? di ba tayo pwedeng magkakasama? ang sagot, hindi. pero kapag naaalala ko yung mga oras na nandito kayo sa tabi ko, habang tinatawanan ko yung mga nakikita ko, habang nagsasaya kong maglaro ng pusoy, habang masaya tayung nag memeriend ng sabay sabay, at yung mga pagkakataung napapagalitan tayo ng ibang teachers dahil sa kaingayan nating umaabot sa buong building,...
nakasama ko kayo di lang sa masaayang bagay na nangyari sa buhay ko,, kayo din ang bumuo ng ilang pahina na malulungkot sa buhay ko, nandiyan yung magiiyakan dahil sa nagkagalit galit yung magkakaibigan, yung ,mga umiiyak dahil nabigo sa pag ibig, hinding hindi ko makakalimutan yung pag hawak niyo sa kamay ko, pag akbay sa balikat ko at pagdamay sakin nung ako ang nangangailangan ng pagintindi. dun ko napatunayan na kayo na nga,, ang mga tunay na kaibigang matagal ko nang hinahanap at hinihintay na magdaan sa buhay ko,
wag kayung matatakot na mawala kayo sa puso ko, hinding hindi ko makakalimutan yung mga araw na nalalate tayo dahil sa katuwaan natin,,
kayo din ang naglayo sa akin sa mga tukso, kayo ang nagmulat ng mata ko sa mga bagay na dapat kung iwasan sa buhay,, kayo ang nagpayo, kung paano ko maipapakita na mahal ko siya, kayo ang nakakita kung paano ko siya minahal, nakita niyung nasaktan ako,, kaya di na kayo mawawala sa buhay ko,, kahit anu pang ihadlang o ipalit nila sa inyo,, di kayo mawawala sa puso ko dahil kahit minsan sa buhay ko, nakasama ko kayo at tinulungan niyo kong ipagpatuloy ang buhay......